mga post galing sa idolzzzzzz….

Kung namimiss mo siya, ikaw lang nakakamiss dun. Pero pag nabulunan ka tiyak! Namimiss ka din nun. Simple lang naman diba? Di lahat ng iniisip mong tao, naiisip ka din. Kahit tumambling ka pa jan o kaya mag circo sa harapan nya, kung talagang di niya balak magparamdam, wala kang magagawa. Ang hirap kasi satin nauunahan tayo ng pride kung sino ba mauunang magtxt, tumawag o di kaya umutot. Walang sense? Sa isang relasyon kung pareho kayong mapride walang magsusuko ng bandera. Ganun din sa taong umutot, kahit magpeksman pa siya at mag cross his heart hope to die at isiping mamatay siya pagkatapos nya mag promise hindi siya aamin na siya ang salarin. As if may namatay dahil sa di pag amin na umutot siya.

Ganyan ang iba sa atin, kapag tuluyan ng nawala ang taong pinakakahalagahan natin Saka lang tayo nagsisisi. Pero paminsan self-defense ang pagiging mapride: Una ayaw natin bumaba ang tingin sa atin, pangalawa ayaw natin masaktan at pangatlo ayaw natin tawagin nila tayong mahina. Kesyo kakantayawan ka ng mga tropa mo na “your such a looser pare!” na masyado ka nagpapadala sa damdamin mo. Sasabihin pa nila na “wag kang mauna, hayaan mo siya!, tamo bibigay din yan!”. O di kaya “kung talagang mahalaga ka sa kanya , ittxt ka din nun”. Pero diba minsan mas magaan sa pakiramdam yung tipong alam mong nageffort ka na gumawa ng unang move, kesa yung wala kang ginawa. Na kahit di man siya magreply sa txt mo o di kaya pansinin ka, atlease alam mong sa sarili mo “you do your part”. Kung ayaw eh di suyuin, kung ayaw pa din eh di pilitin, kung ayaw pa rin eh “di wag nya!” .

Ang tao di habangbuhay magtyatyagang maghintay. Minsan kailangan mo ding magbigay para sa sarili mo at para sa mga taong naghihintay na balingan mo ng atensiyon. Ngunit higit sa lahat sa mga taong nagmamahal sayo na di mo binigyang pansin nung panahong okupado lamang ang isip mo ng iisang tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: